Andito na ako!

Ayun! Akalain mong may Tumblr account na si -NiK-. Dati hanggang blogger lang tapos nangarap sa wordpress kaso nahirapan (ganun lang talaga ang buhay) tapos eto na nasa tumblr na sya!!! (oh ngayon?) Hmm mejo na curious ako kay jean at nadine (naks special mention!) kung ano ba ito kaya eto, nakapag sign up ako ng wala sa oras. Ayos na itong blog. Ayoko munang gumawa ng layout sapagkat hindi ko pa kabisado yung codes nito. Baka maduling lang ako kapag pinilit kong diskubrehin lahat. Newbie pa ako dito sa tumblr kaya mejo aanga-anga pa ako sa mga nagaganap sa kapaligiran ko dito pero nakakatuwa na rin kasi kahit hindi natuloy yung dream ko na sa wordpress ako, eh may mga taong mula sa WP ang nandito. Liliwanagin ko lang na hindi ito ang main blog ko kasi baka mamaya akalain nyong ito na yung main blog ko. Anu lang itong blog na to…ahh… ahmmm.. ahuh… ahh… ayun! Random blog. Lahat ng magustuhan ko or maisipan kong ilagay eh ipo-post ko dito. Hangga’t maari, ang mga main and important events eh nasa main ko while yung mga kaechosan ko eh dito naman.

Ano ba ang main topic ko ngayon? Hmm wala pa akong maisip eh. Dapat nga magiging photoblog ko toh kaso dahil sa palpak na celfone at computer kaya ayun mahihirapan ako na gawin itong photoblog. Pero pwede ko din itong gawing photoblog.

Di na ako nag uupdate tungkol sa lovelife ko. Namimiss nyo na rin si *blush malamang. Well, ewan ko ba kung ano na nanyayari saken. Basta pag gising ko kaninang umaga, ang lungkot ko na. Epekto kasi ng panaginip ko yun. Basta ang natatandaan ko nalang, hinawakan nya ako sa braso pero tinanggal ko yung kamay nya. Sa totoo lang, kapag nakikinig ako ng mga lovenotes sa radyo twing gabi (hahaha daily routine ko yun. Unless pagods na ko) lagi nalang ang problem nila eh kung aasa ba sila o hindi na. Dati, kung itatanong mo yan sa akin ang lagi kong sagot eh “oo sige umasa ka pa! malay mo bukas kayo na”. Strong believer ako ni xiang qin/jeanie kaya ayan well influenced din ako. Akala ko kasi, nadadaan sa ganun yung sa akin. Lumipas ang 10 buwan ng di ko namamalayang mas lalo na akong nagmumukhang tanga. Hanggang isang araw pag gising ko, bigla nalang akong napagod at nasabing “oh gawsh, ang hirap palang maging tanga” kaya ayun. Hay kaya kapag nagkita kami paprangkahin ko na sya. Sasabihin ko ng harap harapan na...wag na nya akong kausapin muna kasi hangga’t okay kami, mas lalo lang ako mahihirapan.

Aysos, ang drama ko.

Ayan. Nasimulan ang topic sa kanya kaya ang haba tuloy ng nasulat ko about him. Pero isa lang talaga masasabi ko sa kanya — next time nalang tayo mag usap.

Alam kong mahirap iwasan yung taong kaibigan mo pero sometimes need mo rin na isipin yung sarili mo at kalimutan ang isang bagay na kapag kailangan ka lang nya eh dun ka lang nya naaalala. Ang saklap noh.

I expect mo na. Hindi nya ako isasayaw sa prom.

Haiyoo punong puno na ng hangin ulo ko. Blanko talaga. After all of this, ewan ko na kung ano yung nawala sa akin. Parang pati respeto ko sa sarili bumaba. I swear, ngayon lang ako nag confess sa isang tao. jusko patawarin mo ko.

O sha, nag enjoy na ako sa walang kwentang post ko ngayon. Ay may kwenta pala ito, first post ko kasi. Sana yung susunod mejo okay okay na kesa dito.